POEM: Hanggang Dito Nalang

Hanggang Dito Nalang
Isinulat ni: Reia Gabot

Sabi ko, mamahalin kita hanggang dulo
Na hindi ako magsasawang sabihing mahal kita
Mamahalin ka kahit ang puso’y nag durugo
Mamahalin ka kahit pumuti man ang buhok

Bumalot sa aking isipan ang pagkatakot
Ang pagkatakot na ika’y mawala bigla
Dahil sa aking sinirang pangako sa sarili ko
Ang sinirang pangako para lang ika’y makasama

Pero nag-iba ang ihip ng hangin
Dumating sa panahong ako’y di mo na pinapansin
Bigla kang bumitaw sa’kin
Na walang pahintulot, na ako’y iiwan mo rin

Araw-araw, sa silid nag-iisa
Masasayang araw nati’y iniisip sa magdamag
Gabi-gabi, sa silid nag-iisa
Umiiyak at nagdadalamhati, nangangarap na ika’y mahagkan pa

Gusto kong kumapit, kahit na masakit
Umiiyak at naninikip itong dibdib
Parang nakakapit sa patalim
Umaasang ika’y babalik sa akin

Mahal, ikaw pa rin
Pero sa puntong ito, ako’y napapagod din.
Mahal, sana ako nalang ulit
Hindi ko alam kung bakit mo ako pinagpalit

Hanggang dito nalang,
Mahal, ayoko pa
Kahit isang saglit lang,
Malaman mo na mahal kita at ika’y mahalaga

Pero mahal, salamat
Salamat dahil ako sayo’y natuto
Nalaman na dapat ako’y hindi agad magtiwala
Dahil hindi ko alam kung ako ba’y pinaglaruan mo lang

Salamat, patawad
Sa hindi inaasahang panahon ika’y dumating,
At ikaw rin ay umalis
Lahat nga pala ng bagay may hangganan
Kaya mahal, hanggang dito nalang

Advertisements

One comment on “POEM: Hanggang Dito Nalang

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s