POEM: Matagal tagal na rin

Matagal tagal na rin
Isinulat ni: Reia Gabot

Matagal tagal na rin
Kamusta ka na nga ba?
Balita ko masaya ka na
Eto ako, hindi pa

Matagal tagal na rin pala yung panahong hinawakan mo ang aking kamay
Sinabing hindi pakakawalan dahil ito’y iyong ikamamatay
Pero, ikaw ang umalis
Kahit labag sa aking puso’t isip

Matagal tagal na rin pala nung ako’y huling kinilig
Sa mga salitang mala rosas sa ganda
Na naakit ako at nagpadala
Kahit alam kong ito’y malalanta rin pala

Matagal tagal na rin yung panahong ako’y naging tanga
Na masaya ako na ika’y kasama,
Na akala ko ay ako lang ang sinta,
Yun pala’y meron pang isa.

Ang tagal na rin pala,
Pero ang nararamdaman ko hanggang ngayon ay nandito pa.
Binibilang ko ang mga araw, linggo, buwan, kung hanggang saan ako tatagal
Sana ay hindi na,
Dahil ako’y pagod na pagod na.
Pagod na akong maramdaman lahat ng sakit na idinulot mo sa akin,
Pagod na rin akong maisip na ang tibok ng puso ko ay iaw pa rin,
Pagod na akong magmakaawa na ako’y iyong mahalin at sabihin sayo na sana ako pa rin.

Kasi kahit kailan ay hinangad ko lang ang kasiyahan mo sa aking piling,
Na kahit iyon lang ang gusto kong mangyari, at iyon lang ang aking hiling.
Pero mukhang wala nang pag-asa,
Pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa.

Kay tagal tagal na rin pala,
noong panahong ako’y mahal mo pa.

Advertisements

2 comments on “POEM: Matagal tagal na rin

  1. jxstxnx says:

    Woah yung tula mo ang ganda grabeπŸ’•

    Like

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s